Manny Pacquiao, Binigay na ang pangakong House and Lot kay "Mamang Sorbetero"


Mula sa dating gutay-gutay na barong-barong, sementado at kompleto na sa gamit ang bagong bahay ni "Mamang Sorbetero" na mistulang tumama sa lotto nang mabentahan niya ng sorbetes si Senador Manny Pacquiao. Pero hindi pa roon nagtatapos ang tulong sa kaniya ng "Pambansang Kamao."

Sa episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," naibigay na ni Pacquiao ang ipinangako niyang bahay at lupa sa 64-anyos na sorbetero na si Marcelino Entia ng General Santos City.


Bago naging sorbetero, dating tricycle driver at nagsi-security guard si Mang Marcelino hanggang sa ma-mild stroke dahil sa sobrang pagtatrabaho.

Kuwento ni Manny, humanga siya sa pagsisikap ni Mang Marcelino at labis na nahabag sa kalagayan nito nang makausap niya matapos siyang bumili ng sorbetes.


Dagdag pa ng pambansang kamao, minsan din niyang nakaranasan na magtinda ng sorbetes at pinagdaanan din niya ang hirap ng buhay.

Pero maliban sa bahay at lupa, may mga regalo at tulong pa na ibinigay si Manny kay Mamang Sorbetero, na minsan daw nanalangin na sana'y may taong may puso ang magsasalba sa kanila sa kahirapan.

Source: GMA News
Previous
Next Post »
0 Comment