Monday, June 18, 2018

Obispo kumambiyo, masamang espiritu sa Malakanyang hindi si Pangulong Duterte


Panalangin ang nakikita ng simbahang katolika na pinakamabisang pangontra sa mga masamang espiritu sa Malakanyang.
Sinabi ito ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo sa isang misa sa simbahan ng Quiapo kasabay ng paghahayag ng kalungkutan sa serye ng pagpatay sa mga pari.
Pero mabilis na nilinaw ni Pabillo sa isang panayam pagkatapos ng misa na hindi si Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang tinutukoy kundi mga masamang espiritu lamang sa palasyo.
Sa misa, binatikos din ni Pabillo ang pagsusulong sa pagbabalik ng parusang kamatayan, paglilibing sa diktador na si Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani, deklarasyon ng Martial Law sa Mindanao, pagpapatalsik sa chief justice ng Korte Suprema at mga pagpatay sa ilalim ng war on drugs sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Source: ABANTE

Related Articles

Obispo kumambiyo, masamang espiritu sa Malakanyang hindi si Pangulong Duterte
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email