Opposition senators, umaasa pa rin na sisibakin ni Pangulong Duterte si SolGen Calida


Patuloy pa ring nananawagan sina opposition senators Kiko Pangilinan, Risa Hontiveros at Antonio Trillanes IV kay Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin si Solicitor General Jose Calida.

Ito ay kahit ilang beses nang ipinagtanggol ng Pangulo si Calida sa pagkakamit ng security agency na pinapatakbo ng kanyang pamilya ng multi-milyong halaga ng kontrata mula sa gobyerno.

Umaasa si Senator Pangilinan na magbabago pa ang isip ni Pangulong Duterte at makikitang nakakasama si Calida sa kanyang kampanya laban sa katiwalian.

Hamon naman ni Senator Hontiveros, dapat patunayan ngayon ni Pangulong Duterte na wala itong sasantuhin at sisinuhin sa mga sangkot sa katiwalian.

Si Senator Trillanes naman ay umaasang si Calida na ang susunod na sisibakin ni Pangulong Duterte matapos nitong sipain sa pwesto si PhilHealth Interim President Celestina Ma. Jude Dela Serna.

Giit ni Trillanes, mas malaki ang halaga ng korapsyon na kinasasangkutan ni Calida kumpara kay Dela Serna kaya dapat na itong mawala sa posisyon.

Source: RMN
Previous
Next Post »
0 Comment