Paghalik ni Pangulong Duterte sa OFW, hindi na dapat maulit – Bam Aquino


Binatikos ni Senador Bam Aquino ang paghalik ni Pangulong Duterte sa bibig ng isang Filipina habang nasa harap ng Filipino community sa South Korea.

Ayon sa senador, kahit pumayag ang babae, hindi umano ito dapat ginawa ng Pangulo na siyang nasa kapangyarihan.

“Alam mo hindi naman siya pinilit, and I think she already talked about that, si Miss Kim. Pero then again, dahil kaya mong gawin, gagawin mo ba dapat ito. Just because you can do it doesn’t mean you should do it,” diin ni Aquino.

Ayon dito, katulad siya ng maraming nagimbal sa ginawa ng pangulo lalo na isa siyang ama sa dalawang batang babae.

Umaasa ang senador na hindi na ito mauulit.

“I am hoping like many of our fellow countrymen na sana, matigil na yung ganitong klaseng mga ginagawa. Ako po bilang isang tatay, dalawa ang anak ko na babae, kahit po ako nung nakita ko ang video hindi naging maganda ang reaksiyon ko gaya po ng marami sa atin,” ani Aquino.

“Kanya-kanya po kaming gimik sa pulitika, pero may mga gimik na okay, may mga gimik na hindi okay,” dagdag ng senador.

Source: ABANTE

Previous
Next Post »
0 Comment