Pangulong Duterte, dismayado sa trabaho ng mga Mayor


Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na talagang dismayado siya sa performance ng mga opisyal ng pamahalaan sa mga Local Government Units partikular sa mga Mayor.

Ito ang sinabi ni Pangulong Duterte, sa harap narin ng kanyang kautusan kay interior Secretary Eduardo Ano na magsagawa ng Audit sa mga LGU para alamin kung saan maraming insidente ng mga iligal na gawain tulad ng krimen, iligal na droga, illegal logging at maraming iba pa.

Ayon kay Pangulong Duterte, maraming mga opisyal sa mga LGU na tila nakalimutan na ang trabaho at ipinauubaya na sa national government ang trabaho na dapat nilang ginagawa.

Babala ng Pangulo, tatanggalin niya ang kapangyarihan ng mga mayor sa PNP at ipauubaya nalang ni Pangulong Duterte sa PNP na ipatupad ang batas na dapat nilang ipinatutupad.
Nagbabala din ang Pangulo na kakasuhan ang mga Mayor na mapatutunayang hindi nagtatrabaho at patatalsikin ang mga ito sa posisyon.

Source: RMN
Previous
Next Post »
0 Comment