Friday, June 29, 2018

Pangulong Duterte, Inako ang misencounter ng pulis at sundalo sa Samar


Sinarili ni Pangulong Rodrigo Duterte ang responsibilidad sa malagim na misencounter sa pagitan ng mga tauhan ng Philippine Army at mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa Samar na nagresulta sa pagkasawi ng anim na pulis at pagkasugat ng siyam na iba pa.

Sa kanyang talumpati sa selebrasyon ng Sangyaw Festival of Lights sa Tacloban City, sinabi ng Pangulo na bilang commander-in-chief, siya na ang aako sa sisi kung bakit nangyari ang insidente.

Hindi aniya sinasadya ang nangyari at hindi maiwasan ang ganitong insidente na inihalintulad sa Murphy’s law.

Hiniling ni Pangulong Duterte sa mga sundalo at pulis na huwag magtanim ng galit at sama ng loob, bagkus ay hayaang umusad ang imbestigasyon para matukoy kung ano ang mga dapat gawin para hindi na maulit ang insidente.

“To both the Filipino soldiers and the Filipino policemen, I’d like to tell you that the ultimate blame is on me. Being the commander-in-chief, I do not want to use word, but ako po ‘yung pinaka-nila and so there was a lot of tragics to risk we have around the incident. Sabi ko sa kanila kalimutan na lang ninyo tutal hindi naman sinasadya. You know the Murphy’s law operates the way is. Things can go wrong, it will go wrong.

“And so I said kayong mga pulis, ako ‘yung pinaka-commander ninyo pati kayong mga army ako rin. And so you just say that it’s all my fault, but since you are all my soldiers let us forget the hurts, allow the investigation to go on and let us see what develops in the future,” anang Pangulo.

Binisita ng Pangulo ang anim na nasawing pulis sa Palo, Leyte gayundin ang siyam na iba pang nasugatan sa misencounter .

Kapwa kumikilos na ang liderato ng Armed Forces of the Philippines at PNP para alamin kung sino sa mga tropa ang may pagkukulang at pagkakamali, kasabay ang pagtiyak na mabibigyan ng katarungan ang sinapit ng tropa ng mga pulis.

Source: ABANTE

Related Articles

Pangulong Duterte, Inako ang misencounter ng pulis at sundalo sa Samar
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email