Friday, June 8, 2018

Pangulong Duterte kay Sereno: Anong nagawa mo sa gobyerno?


Binuweltahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si ousted Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno matapos sabihing gimik lang ang mga ginagawang pagsibak sa mga opisyal ng gobyerno.

Sinabi ng Pangulo na si Sereno ang gumagawa ngayon ng gimik matapos matalo sa kanyang laban kaya nag-iingay at kung ano ano na lang ang mga pinagsasabi sa kanya.

Wala aniyang siyang bilib kay Sereno at hindi niya ito nirerespeto dahil puro gimmick lang ang ginagawa nito.

“You know si Sereno is a lost cause. She had it coming, she asked for it. Iyon ang nangyari sa kanya.Now that she is out, she is full of adjectives and gimmickry.

I don’t believe her. And I don’t respect her also. Puro gimmick eh. Siya ‘yung gumi-gimmick, kami ‘yung nagtatrabaho,” anang Pangulo.

Wala aniya siyang panahon para kay Sereno dahil abala ito sa pagpapatakbo sa gobyerno lalo na sa mga proyektong makikinabang ang taong bayan.

Ganting-tanong ni Pangulong Duterte kay Sereno kung ano ba ang nagawa nito o naiambag sa taongbayan sa ilang taong paninilbihan nito bilang punong mahistrado maliban sa pag-iingay nito.

“Tell me. Anong significant decision ni Sereno or anybody ‘yung mga critic na sabihin nila na mga gimmick ito?

Anong na-contribute nila all these years? Tanungin ko. Tingnan mo ‘yang taong nagsasalita diyan. Anong ang… What have they contributed to the betterment of the country except indulging in politics?” dagdag pa ng Pangulo.

Nauna rito sinabi ni Sereno na gimik lang ang mga ginagawang pagsibak ni Pangulong Duterte sa mga appointees nito dahil ang iba ay nabigyan ng panibagong puwesto sa gobyerno.

Source: ABANTE

Related Articles

Pangulong Duterte kay Sereno: Anong nagawa mo sa gobyerno?
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email