Saturday, June 30, 2018

Pangulong Duterte, Magkakaroon ng One-On-One dialogue kay Archbishop Valles


Magkakaroon ng ‘one-on-one’ dialogue si Pangulong Rodrigo Duterte sa pinuno ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque – makikipagkita ang Pangulo kay CBCP President, Davao Archbishop Romulo Valles.

Tanda aniya ito na pagtutulungan ang gobyerno at simbahan para sa kapakanan ng mga mamamayan.

Hindi pa malinaw kung kailan ang pag-uusap nina Duterte at Valles na kilalang magkaibigan.

Matatandaang hindi dinaluhan ng Pangulo ang selebrasyon ng Pope’s Day at nagpadala lamang ng representante.

Source: RMN

Related Articles

Pangulong Duterte, Magkakaroon ng One-On-One dialogue kay Archbishop Valles
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email