Pangulong Duterte, muling ikakasa ang giyera laban sa mga NPA


Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na ikakasa muli ang giyera laban sa komunistang grupo kung hindi na ito interesado na ipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan.

Bagamat nais pa rin ni Duterte na maisulong ang kapayapaan, walang problema sa kanya kung ayaw na ni Communist Party of the Philippines (CPP) Founder Jose Maria Sison na makipagnegosasyon sa gobyerno.

Binigyang linaw din ng Pangulo na hindi pa niya binibitawan ang peace process sa mga rebeldeng komunista.

Muli ring iginiit ng punong ehekutibo na sa Pilipinas gawin ang peace talks kaysa sa abroad.

Source: RMN
Previous
Next Post »
0 Comment