Pangulong Duterte nagalit, nagbigay ng ultimatum sa Kadamay


Nasagad na ang pasensiya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa grupong Kadamay kaya’t binigyan niya na ito ng ultimatum hanggang Biyernes ng tanghali para lisanin ang tinatangka nitong agawing pabahay sa Rodriguez, Rizal.

Sa kanyang talumpati sa oath-taking ng may 4,000 barangay chairman sa Calabarzon, hindi napigil ng Pangulo ang galit sa grupo at ibang makakaliwang grupo.


Kung gusto aniya ng mga ito ng away ay pagbibigyan niya ang mga ito dahil may utos na siya sa mga pulis at sundalo na huwag hayaang makapang-agaw ng pabahay ang mga ito.

Kung magkamatayan, ayon pa kay Pangulong Duterte, ay problema na ng Kadamay dahil ipinapatupad lamang ang batas.

“Ako nagwa-warning ha. Sabi ko sa pulis kunin ninyo uli. Kung gusto ninyo ng away, sabihin ko sa pulis bigyan ninyo ng away. Kung magkamatayan ‘wag kayo mauna, pero kung kailangang pumatay kayo para i-implement ang legal na regulasyon, gawain ninyo,” sabi ng Pangulo.


“Mamatayan, lima, anim, pito wala akong pakialam. Kayong mga Kadamay, umalis kayo diyan, pagka nagkaletse-letse ang buhay diyan may mamatay. Before the nation sabihin ko, well that is my order. Mahirap ‘yang i-hostage mo ako na takutin mo ako ganoon eh. Ngayon sino ang gustong tumulong sa inyo? Yung mukha ko sinusunog n’yo tapos manghingi ka sa akin ng bahay, gago ka ba?,” ang galit na pahayag ng Pangulo.


Pinagbalingan din ng galit ng Presidente ang ibang makakaliwang grupo na nanununog ng kanyang effigy at ang paggamit ng kanyang litrato sa urinal sa University of the Philippines (UP) na aniya ay huwag siyang subukan dahil minsan na rin siyang naging militante.

“Kayong mga left, sinusunog n’yo ‘yung… eto may SONA, eh p**ang*na ninyo. Gawain ninyo ‘yan pero huwag kayong manghingi ng tulong sa akin kasi may pulis ako, may militar ako, ang sabi ko sa kanila maintain law and order in this country. Kung nadisgrasya kayo, problema ninyo ‘yan! Inihian ninyo mukha ko tapos sinusunog pa ninyo ‘yung… ngayon manghingi kayo ng tulong? Mahiga muna kayo sa daan ihian ko ang mukha ninyo. T**g*na ninyo problema ninyo ‘yan. Do not f*ck it with me because I was once like you,” dagdag pa ng Presidente.

Source: ABANTE
Previous
Next Post »
0 Komentar