Saturday, June 30, 2018

Pangulong Duterte, Pinuri ang mabilis na pagbangon ng Tacloban


Hinangaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kagyat na pagbangon ng Tacloban City at mga kalapit na bayan matapos ang sinapit na matinding pinsala dulot ng bagyong Yolanda.

Sinabi ng Pangulo na nasorpresa ito dahil malaki na ang ipinagbago ng Tacloban City matapos halos mabura sa bagyong Yolanda noong Nobyembre 2013.

Marami na aniyang gusali at kabahayan at mas maganda na ang tanawin sa kalawakan bago lumapag sa airport.

Maging ang mga ipinatayong housing sa ilalim ng administration, ayon sa Presidente, ay malaki na ang progreso kaya’t magtutuloy-tuloy ito hanggang sa matapos at mabigyan lahat ng pabahay ang mga biktima ng kalamidad.

“You know, about six months after, I went back here to look at the progress of the housing. ‘Yung ginawa ko sa panahon ko na ha, ‘yung akin.

“I was really surprised na Leyte almost back on its feet and the skyline was more pleasant to see. More buildings and all,” anang Pangulo.

Ang trahedyang dulot ng bagyong Yolanda ang itinuturing ni Pangulong Duterte na isa sa pinakamalungkot na bahagi ng kanyang buhay matapos makita ang mga naging biktima ng kalamidad.

Ayon sa Pangulo, dalawang panyo ang nagamit nito para pahirin ang luha dahil sa matinding kalungkutan sa nangyaring kalamidad.

“I was here in Tacloban the day after to give instructions to the doctors and the unloading of the equipment and medicines, it was one of my saddest in my life. I never saw such magnitude… kaya nagastos ang luha ko dito. Siguro mga dalawang panyo. Literally I was bleeding inside my heart,” dagdag pa ng Pangulo.

Source: ABANTE

Related Articles

Pangulong Duterte, Pinuri ang mabilis na pagbangon ng Tacloban
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email