Monday, June 25, 2018

Pangulong Duterte, Sisibakin ang tatamad-tamad na barangay captain


Winarningan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga barangay captain sa bansa na gawin ang trabaho kung ayaw ng mga ito na masibak sa puwesto.

Ang babala ay ginawa ng Pangulo sa oath-taking ng mga bagong halal na kapitan de barangay sa Region 10.

Sa kanyang talumpati sa Cagayan de Oro City, binilinan ni Pangulong Duterte ang mga barangay captain na gawin ang kanilang tungkulin sa kanilang komunidad.


Kapag lumitaw aniya sa record na mataas ang antas ng krimen at droga sa kanilang nasasakupan ay makakasuhan ang mga ito ng pagpapabaya sa tungkulin.

Kapag walang pagbabago ay mag-iimbestiga aniya ang Department of Interior and Local Government (DILG) at kapag inirekomenda ang dismissal ay sisibakin niya ang mga ito sa puwesto.

“Kayong mga barangay captain, do what is your duty. You are more than just a policeman because you are mayors. You are the governors and the president of your barangay.

“Now, if you cannot do it, and the records will show na ‘yung crime rate mo mataas pati droga, then I will charge you with neglect,” anang Pangulo.

Binigyan ng Pangulo ng pagpipilian ang mga barangay captain na aniya ay gawin ang tungkulin at mamatay o kaya ay mag-resign.

Kung takot aniya ang mga ito na harapin ang mga kalaban sa komunidad at takot mamatay, wala silang karapatang manatili sa puwesto.

Source: ABANTE

Related Articles

Pangulong Duterte, Sisibakin ang tatamad-tamad na barangay captain
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email

1 comments:

July 4, 2018 at 1:03 PM delete

Please include the mayors and governors too including those down below them. Some use their position to show off and power.

Reply
avatar