Pari ang Person of Interest sa pagpatay kay Jeraldyn Rapinan sa Camarines Sur!


Isang pari ang itinuturong 'person of interest' sa pagkamatay ng 28-anyos na si Jeraldyn Bulalacao Rapinan ng Barangay San Jose in Baao. Base sa ulat ng Philstar at ng Bicol Standard, itinapon ang wala ng buhay na katawan ni Rapinan sa madamong bahagi sa kahabahaan ng Maharlika Highway sa Del Pilar, San Fernando, Camarines Sur noong June 15.


Nakatali ang mga kamay at ilang tama ng sasak ang nakita sa dibdib ng biktima. Nakatakip din daw ng malong ang mukha ni Rapinan noong natagpuan ito.

Hindi pa muna inilalabas ng otoridad ang pagkakakilanlan ng pari habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Ayon pa sa ulat ng Bicol Standard, kinumpirma umano ng mga kamag-anak ng biktima ang relasyon ni Rapinan sa pari. Si Rapinan ay naging tagapag-silbi sa bahay ng nasabing pari.

"It had been going on for some time already," sabi ng nanay ni Rapinan.

Sabi naman ng pinsan at bestfriend ng biktima, makikipagkita daw dapat si Rapinan sa isang tao para bigyan ito ng pera para gamitin sa binyag ng bata noong nangyari ang krimen. Kinumpirma din ng pinsan ni Rapinan na ang naturang pari ay ang ama ng anak ni Rapinan.

Ilang residente naman sa Baao ang nagsabing may karelasyon din daw ang pari sa isang babae sa lugar ng Rinconada.

Mga kaibigan tulungan po nating makamit ni Rapinan ang hustisya. Pakikalat po itong artikulo para malaman ng publiko.

Source: DE
Previous
Next Post »
0 Comment