Trillanes, handang harapin ang anumang banta sa kanyang buhay


Hindi magpapatinag si Senador Antonio Trillanes sa anumang banta sa kanyang buhay.

Ito ay matapos ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na may babaril sa kanya sa mga susunod na araw.

Ayon kay Trillanes, handa niyang harapin ang mga banta ng mga tiwaling opisyal at iba pang indibidwal na mapang-abuso sa kapangyarihan.

Aniya, hindi niya nagawang mam-bully sa mga mahihirap at walang kalaban-labang tao.

Malinaw para sa kanya na nais siyang mapatay ng Pangulo o dahil naiirita na dahil sa patuloy niyang pagpuna sa mga polisiya nito.

Source: RMN
Previous
Next Post »
0 Comment