Saturday, June 9, 2018

Robredo, nababahala sa ginawang pag-harass ng Chinese Coast Guard sa mga Pilipinong mangingisda


Nababahala si Vice President Leni Robredo sa pagkuha ng Chinese Coast Guard ng mga nahuling isda ng mga Pilipinong mangingisda sa panatag o scarborough shoal, malapit sa baybayin ng Zambales.

ayon kay robredo – hindi nirespeto ng chinese coast guard ang karapatan ng mga pilipino na makapangisda sa lugar.

pinapahintulutan aniya ang mga mangingisda na makapalaot sa panatag shoal dahil nakapaloob ito sa exclusive economic zone (eez) ng pilipinas.

dagdag pa ng pangalawang pangulo – hindi ito usapin ng batas, kundi buhay at kabuhayan ng ating mga kababayan.

umaasa si robredo sa administrasyon ng agarang tugon sa mga sitwasyong ganito.

Source: RMN 

Related Articles

Robredo, nababahala sa ginawang pag-harass ng Chinese Coast Guard sa mga Pilipinong mangingisda
4/ 5
Oleh

Berlangganan

Suka dengan artikel di atas? Silakan berlangganan gratis via email