Saturday, June 23, 2018

Sarah Elago, Mass arrest sa tambay, throwback sa Martial Law


Binatikos ng Kabataan partylist si Pangulong Rodrigo Duterte sa utos nito na pag-aresto sa mga tambay sa kalye.

Ani Kabataan partylist Rep. Sarah Elago, iligal umano at pagbabalik sa Martial Law ng rehimeng Marcos ang naturang hakbang.

Bunsod nito, nanawagan ito ng malawakang pagkondena sa iligal na pag-aresto sa mga tambay dahil malapit umano ito sa pag-abuso.


Dagdag pa nito, maaari rin itong magdulot at magbigay-daan para sa mas marami pang paglabag sa karapatang pantao.

Aniya, tila isa rin itong throwback sa taktika na ginamit noong Martial Law at mapanganib umano ito.


Inihalimbawa nito ay noong 1970s kung saan naglagak ang Philippine Constabulary ng checkpoints at nagsagawa ng arbitrary arrests.

Samantala, binisita na umano ni Elago ang burol ni Genesis Argoncillo, ang 25-anyos na binata na namatay matapos arestuhin at ikulong dahil sa pagtatambay.

Source: ABANTE

Related Articles

Sarah Elago, Mass arrest sa tambay, throwback sa Martial Law
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email