Thursday, June 28, 2018

Trillanes, Diyos ni Duterte may sungay


Sino ang Diyos ni Pangulong Duterte?

Kwestyon ito ni Senador Antonio Trillanes IV matapos sabihin ng pangulo na ang Diyos na kaniyang pinaniniwalaan ay hindi ang Diyos ng Simbahang Katoliko at ng mga Kristyano.

“Sino ba ang Diyos niya kung hindi ‘yung Diyos hindi lang ng Kristyano kundi Diyos na pinaniniwalaan ng mga tao? E sino ito? Baka may sungay itong diyos niya?” sabi ni Trillanes sa lingguhang Kapihan sa Senado.

Nung nakaraang linggo, sinabi ng pangulo na “stupid” ang Diyos na sinasabi ng mga Kristyano na lumikha ng perpektong mundo pero siya ring gumawa ng ikinasira nito dahil nilikha ang tao at may ahas na nanukso.

Matapos ulanin ng batikos, sinabi ng pangulo na hindi niya diyos ang Diyos ng mga Kristyano dahil “stupid” at ang kaniyang diyos “has a lot of common sense.”

Source: ABANTE

Related Articles

Trillanes, Diyos ni Duterte may sungay
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email

1 comments:

June 28, 2018 at 5:00 PM delete This comment has been removed by a blog administrator.
avatar