Trillanes, kinasuhan ni Labor Usec Paras ng kasong kriminal sa Pasay Prosecutors Office


Sinampahan ng kasong kriminal ni Labor Undersecretary Jacinto Paras sa Pasay City Proecutor’s Office si Senador Antonio Trillanes.

Kasong grave threats ang isinampang reklamo ni Undersecretary Paras laban kay Senador Antonio Trilllanes.

Ang kaso ay nag ugat ng harapang kastiguhin ni Senador Antonio Trillanes si Labor Undersecretary Jacinto Paras sa gitna ng session hall.

Sinabi ni Paras, apat na beses siyang pinagbantaan ni Trillanes sa loob lamang ng tatlumpung minuto

Sinabihan aniya sya ni Trillanes na yayariin na para sa kanya ang ibig sabihin ay tatapusin o papatayin.

Naniniwala pa si Paras na may kakayahan na gawin ni Trillanes ang kanyang banta dahil isa syang dating militar.

Una nang sinabi ni Trillanes, na hindi raw totoo na dinuro niya si Paras at wala siyang ginawang pagbabanta sa buhay nito.

Matatandaan na una nang inihain ni Paras ang kasong inciting to sedition laban kay Trillanes dahil sa sinabi nito na dapat ay barilin na ng mga sundalo ang Pangulo.

Source: RMN
Previous
Next Post »
0 Comment