Friday, June 15, 2018

Trillanes, kumasa sa hamon na one-on-one ni Bong Go


Kinasahan ni Senador Antonio Trillanes IV ang hamon ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go na one-on-one o sabayan kahit saan at kahit anong paraan.

Ang hamon ni Trillanes – sabay silang pumirma sa waiver para malayang masuri ang kani-kanilang bank accounts at iba pang assets.

Dito na aniya makikita kung saan galing ang yaman ni Bong Go na minsang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na bilyonaryo.

Sinamahan pa ito ni Trillanes ng hamon na isama sa pag-iisyu ng waiver ang si Pangulong Rodrigo Duterte.

“Sige, one-on-one kami, pirmahan ng waiver. Partida na, ahit isama pa nya ang amo nya,” ani Trillanes.

Matatandaan na pinaratangan ni Trillanes ang pangulo ng pagkukubli sa bangko ng yaman na umanoy minsang umabot sa P2 bilyon pero nagpanggap umanong mahirap noong panahon ng kampanya.

Nagkaroon ng ganitong hamunan matapos sabihin ni Trillanes na nag-iinarte at nagkukunwari lamang si Go, gaya ni Davao City Mayor Sarah Duterte, na hindi raw interesado sa pagkandidato sa pagkasenador gayung planado na ito at patunay ang tarpaulins ni Go sa Edsa.

“Kung gusto mo, one-on-one na lang tayo. Bahala ka, kahit ano, kahit saan. Bahala ka na kahit saan,” mensahe ni Go kay Trillanes.”

Source: ABANTE

Related Articles

Trillanes, kumasa sa hamon na one-on-one ni Bong Go
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email