Tuesday, June 5, 2018

Trillanes, No.1 sa ‘absent’ sa senado


Apat na senador ang nakapagtala ng perpektong attendance sa 79 na session days ng nagsarang 2nd Regular Session ng ika-17 Kongreso.

Ito ay sina Senate President Tito Sotto, Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Sen. Panfilo Lacson at Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III.

Wala ring naitalang “late” sina Sotto at Lacson.


Ayon kay Pimentel, obligado siya noon na laging dumalo sa sesyon dahil siya noon ang pangulo ng Senado habang gusto naman ni Lacson na mapanatili ang kaniyang record na perfect attendance.

Samantala, may pinakamaraming beses na pagliban sa plenry session si Senador Antonio Trillanes IV.

Limampu’t dalawang (52) sesyon lang ang kaniyang nadaluhan dahil nagkaroon umano ng official mission sa abroad na sumakto sa 23 session days, 20 araw dito ay sa abroad, 3 dito sa bansa.

Kapag nasa official mission, hindi minamarkahan ng “absent” bagaman wala ito sa plenary session.

Nakatala rin na absent sa lahat ng sesyon si Sen. Leila de Lima na nakalaboso dahil sa drug cases.

Samantala, isang beses lang na lumiban sa sesyon sina Senate minority leader Franklin Drilon, Sen. Nancy Binay, Sen. Gregorio Honasan at Sen. Risa Hontiveros.

Dumalo naman sa 77 sesyon sina Sen. Joel Villanueva at Sen. Cynthia Villar.

Present si Sen. Grace Poe sa 76 sesyon, si Sen. Sherwin Gatchalian sa 74 habang dumalo si Sen. Richard Gordon sa 73 at si Sen. JV Ejercito sa 71.

Batay sa record ng Bills and Index Section ng kapulungan, dumalo si Sen. Loren Legarda sa 70 sesyon habang ito ang nakatala ukol sa ibang senador: Sen. Ralph Recto, 69; Sen. Bam Aquino, 68; Sen. Sonny Angara, 67; Sen. Chiz Escudero, 66; Sen. Kiko Pangilinan, 65 at Sen. Manny Pacquiao 65.

Source: ABANTE

Related Articles

Trillanes, No.1 sa ‘absent’ sa senado
4/ 5
Oleh

Berlangganan

Suka dengan artikel di atas? Silakan berlangganan gratis via email