Trillanes , pumalag sa kanyang mga kritiko


Umalma si Senador Antonio Trillanes IV sa mga akusasyon na mas inuuna pa ng senador na mag-travel abroad kaysa asikasuhin ang kanyang trabaho bilang mambabatas.

Ayon kay Trillanes hindi aniya nare-report na number 1 ang senador bilang most productive senators sa Senado na sa tingin nito ay mas mahalaga kaysa dumadalo lang araw araw pero wala naman aniyang ginagawa o naipapasang panukalang batas.

Ipinagyabang pa ni Trillanes na siya aniya ang pinaka productive na senador kung ang pag-uusapan ay bilang ng mga bills na naipasa kung saan siya umano ang top 5 sa pinakamaraming sponsored na bills sa Senado.

Una rito pinuna ng mga kritiko ni Trillanes ang pagdalo nito sa sesyon na umaabot lamang sa 52 session at apat na absences kung saan madalas ang pang ibang bansa nito na umaabot sa 23 beses official mission at 20 rito ay nasa ibang bansa at ang iba ay sa local travel.

Source: RMN
Previous
Next Post »
0 Comment