WATCH | Bro. Villanueva, Pinagso-sorry si Pangulong Duterte sa pagtawag nitong "Stupid" sa Diyos


Pinagso-sorry ni Jesus is Lord Founder Bro. Eddie Villanueva si Pangulong Rodrigo Duterte.

Kaugnay ito ng pagtawag ni  Pangulo Rodrigo Duterte na “Stupid” sa Diyos.

Sa isang Interview, sinabi ni Bro. Villanueva na bilang pinuno, dapat na tanggapin ni Duterte ang kanyang pagkakamali at humingi ng tawad sa mga Pilipino.

      

Wala pang tugon dito si Pangulong Duterte, pero kahapon, una nang sinabi ni presidential spokesperson harry roque na hindi magso-sorry ang Pangulo.


Samantala, kahapon ay nagsimula na ang pakikipagdayalogo ng binuong 3-man team ng Pangulo sa religious group kung saan inuna nilang kausapin ang Philippine Council of Evangelical Churches (PCEC).

Bro. Eddie Villanueva, Pinagso-sorry si Pangulong Duterte sa pagtawag nitong "Stupid" sa Diyos

Source: RMN


Previous
Next Post »
0 Comment