Alejano, Samar misencounter dapat pa ring imbestigahan


Kahit inako na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang responsibilidad sa nangyaring misencounter sa pagitan ng mga pulis at sundalo sa Samar, kailangan pa rin umanong maimbestigahan ang insidente.

Katuwiran ni Magdalo partylist Rep. Gary Alejano, sa imbestigasyon lamang malalaman kung ano ang totoong nangyari, kung merong dapat managot at para maiwasang maulit ito.


“That is correct. Duterte is the Commander-in-Chief of the AFP [Armed Forces of the Philippines] and PNP [Philippine National Police], hence he takes full responsibility. Nonetheless, internal investigations are still necessary to determine what really happened,” ani Alejano.

“If there has been any lapse, it should be addressed in future operations. Moreover, if there have been violations in the standard operating procedures, concerned personnel must be meted out with appropriate sanctions,” paliwanag ng kongresista.

Una rito, inako ng Pangulo ang full responsibility sa misencounter sa Sta. Rita, Samar kung saan anim na pulis ang namatay habang siyam ang nasugatan.

Nagsasagawa ng minor combat operations ang mga tauhan ng 805th Mobile Company, Regional Mobile Force Battalion 8 nang makabakbakan ang mga elemento ng 87th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Barangay San Roque.

Ayon sa mga sundalo, nasabihan sila na walang ibang puwersa ng gobyerno ang nasa lugar para habulin ang mga rebelde.

Sabi ni Alejano, dapat matuto ang lahat sa naturang pagkakamali.

“Let us not bloat the issue and, instead, learn from the mistakes,” pahayag ng kongresista.

Source: ABANTE
Previous
Next Post »
0 Comment