"Ano pa ba ang magagawa ni Arroyo?"- Noynoy Aquino


Itinatanong ngayon ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kung may magagawa pa ba si newly-elected Speaker Gloria Macapagal Arroyo bilang lider ng Kamara ngayong iilang buwan na lang ang natitira sa kanyang termino sa 17th Congress.

“Parang iisipin mo, siya po ay nasa last term na niya. More or less effectively, ano pa ba puwedeng magawa niya sa Kongreso sa natitirang period nito?” tanong ni Aquino.


Sabi ng dating Pangulo, tila mahihirapan na umano si Arroyo na maisakatuparan pa ang ilang ‘legislative works’ lalo’t na’t nalalapit na rin ang eleksiyon at magtatapos na rin ang termino nito.

“Sa ilang buwan na natitira nitong taon na ito, ilang session ang natitira pag nag-resume ang Kongreso next year, may Holy Week break, may Christmas break, ang daming break,” pahayag ni Aquino sa mga reporters.


“Tanong natin dito: Sana wala namang napaplanong paspasan dito sa natitirang maiiksing panahon,” dagdada nito.

Si Arroyo ay pormal na nailuklok bilang bagong Speaker isang araw matapos ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan pinalitan nito si Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez.

Source: ABANTE
Previous
Next Post »
0 Comment