"Ayaw akong tigilan ng fake news" - De Lima


Umangal si Senadora Leila De Lima sa patuloy na pagkalat ng umano’y fake news laban sa kaniya.

Ayon sa nakabilangggong senadora, kagagawan ito ng mga taga-suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte na doble kayod umano sa pagpapakalat ng mga maling balita sa internet sa pamamagitan ng YouTube

“Despite my office’s effort to report these online fake news pages and websites regularly, the President’s troll army is just really good at peddling lies for the benefit of its grandmaster Duterte—the No. 1 source of fake news,” sabi ni De Lima.

Tinukoy nito ang mga YouTube video na may mga titulong

“DELIMA ILILIPAT BILIBID! BATO DELA ROSA EXCITED NA!”, “LEILA DE LIMA ILILIPAT NA SA BlLIBID AALAGAAN DAW NI BATO DE LA ROSA” and “MUST WATCH!! PARUSANG BI-TAY POSIBLENG ISAMPLE KAY LEILA DELIMA KAPAG NAIPASA SA SENADO!.

Kapag pinanood, iba ang nilalaman ng mga video.


Ayon sa opisina ni De Lima, nakapagpatanggal na ito ng 100 fake video mula sa YouTube.

Bago ito, kumalat din ulat sa ibang website na nagbitiw siya bilang senador at bumili siya ng mansyon sa New York, USA na nagkakahalaga ng US$6 milyon.

“Kapansin-pansin naman, na sa ilalim ng rehimeng Duterte, lalong tumindi at dumami ang fake news para linlangin ang mga Pilipino at malihis ang atensyon ng publiko sa mga tunay na isyu sa bansa,” diin ng senadora.

Umaasa ang senadora na susundan ng Google, na nagmamay-ari ng YouTube, ang Facebook na nakokontrol na ang pagkalat ng mga fake news.

Previous
Next Post »
0 Comment