Monday, July 2, 2018

Ayon kina Trillanes at Hontiveros, Hindi na ligtas ang Pilipinas


Kapwa iginiit nina opposition Senators Antonio Trillanes IV at Risa Hontiveros na hindi na ligtas sa pilipinas dahil sa kultura ng karahasan na nangingibabaw ngayon sa ating lipunan.

Diin pa ni Trillanes, mistulang murder capital of Asia na ang Pilipinas.

Pahayag ito nina Trillanes at Hontiveros kasunod ng pagkasawi ni Tanauan City Mayor Antonio Halili makaraang barilin habang dumadalo sa flag ceremony kahapon.


Iginiit ni Trillanes, na anupaman ang dahilan ng ginawa kay halili ay mali at labag sa batas pa rin ang pumatay.


Kaugnay nito ay umaapela si Trillanes sa Philippine National Police na tuparin ang mandatong proteksyunan ang mamamayan laban sa mga kriminal at sundin lamang ang mga utos ng nakakataas kung legal.

Katwiran naman ni Hontiveros, direktang insulto sa demokrasya ang mga nangyayari ngayong political assassinations at extrajudicial killings kung saan isinantabi na ang nararapat na proseso para sa pagkamit ng hustisya.

Source: RMN

Related Articles

Ayon kina Trillanes at Hontiveros, Hindi na ligtas ang Pilipinas
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email