Binalaan ni Cabinet Sec. Jun Evasco ang ‘oligarchs’ at media companies na hindi wastong nagbabayad ng buwis


Inakusahan ni Cabinet Secretary Leoncio Evasco Jr. ang media at mga oligarko na nagsanib-pwersa para tirahin si Pangulong Rodrigo Duterte.

Binigyang diin ni Evasco, na dapat magbayad ng buwis ang mga oligarch lalo at ilang sa mga ito ay nagmamay-ari at nagko-kontrol ng media companies.

Ayon kay Evasco, inaatake nila si Duterte dahil naapektuhan ang kanilang business interest bunsod ng kautusan ng pangulo sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na paigtingin ang koleksyon ng buwis.

Nitong nakaraang taon, nagbayad ang Philippine Airlines ng anim na bilyong pisong utang sa gobyerno.

Ang cigarette company na Mighty Corporation ay nagbayad din ng 30 billion pesos ng tax delinquency.

Previous
Next Post »
1 Comment
avatar

If the government can collect collect all taxes that are owed them by the oligarchs, the country can be ran smoothly and progress will continue. Greedy business owners must pay and not try to hide their illegal profits. Ang titigas ng ulo nila, eventually they will be found and end up getting fined for more.

Balas