First Family ni Pangulong Duterte, Nagpakuha ng larawan nang sama-sama


Matapos ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ikatlo nitong State of the Nation Address (SONA), ibinahagi ni presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte sa kanyang Instagram ang bihirang family photo nila.

Makikitang nasa likuran ang magkakapatid na sina Sara, Baste, at Paolo ng mga magulang nila na si Pangulong Duterte at dati nitong asawa na si Elizabeth Zimmerman, na magkatabi naman sa harap habang nakaupo.

Nilagyan lang ito ng caption na heart symbol ni Mayor Sara.

Bago ang SONA, magkakasama na ang magkakapatid na Duterte at si Zimmerman pati na ang kanilang mga asawa habang ang Pangulo ay kasama ang kasalukuyan nitong partner na si Honeylet Avencena at nag-iisang anak nila na si Kitty.

Source: ABANTE
Previous
Next Post »
0 Comment