Thursday, July 26, 2018

Franklin Drilon, alam ni Pangulong Duterte ang pagsipa kay Alvarez


Tiyak umanong alam ni Pangulong Rodrigo Duterte noong pagbalakan ang pagpapatalsik kay dating House Speaker Pantaleon Alvarez.

Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, dati nang kalakaran na may basbas ng Pangulo ang pagpapalit ng liderato ng Kamara at ng Senado.“That is a reality more in the House and even in the Senate. Walang naniniwala na magkakaroon ng pagbabago ng liderato ng Kamara de Representante kung walang basbas ng Pangulo ng Pilipinas,” sabi ni Drilon.

Dahil dito, kaya umano agad na sumang-ayon sa pagpapatalsik kay Alvarez ang mga kongresista na tinawagan ni Davao City Mayor Sara Duterte, anak ng Pangulo.

“When she speaks, the people assumes that she speaks with the authority of her father,” dagdag ni Drilon.

Salungat ito sa sinabi nina Senate President Vicente Sotto III at presidential spokesperson Harry Roque na walang alam ang Pangulo sa power grab sa Kamara at nagalit pa umano dahil umantala iyon sa kaniyang State of the Nation Address noong Lunes.

Samantala, hindi bilib si Drilon sa palutang na para sa Charter change ang pagsipa kay Alvarez at pagluluklok kay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Tungkol lang umano iyon sa away sa politika ng mga taga-Davao at nakinabang lang si Arroyo.

Tinukoy ni Drilon na bago masipa si Alvarez, naka-word war nito sina Mayor Sara at Davao del Norte Congressman Antonio Floreindo.

“So, there is a demonstration that the removal of Speaker Alvarez had nothing to do with policy or Cha-cha. Nothing to do with all of that, it is all local politics,” ani Drilon.

Naging “logical choice” lang umano si Arroyo na pamalit dahil malawak ang impluwensya nito dahil siyam na taon na naging Pangulo ng bansa.

Source: ABANTE

Related Articles

Franklin Drilon, alam ni Pangulong Duterte ang pagsipa kay Alvarez
4/ 5
Oleh

Berlangganan

Suka dengan artikel di atas? Silakan berlangganan gratis via email