Harry Roque, Paghalubilo ng PET staff sa Robredo revisors, hindi tama


Hindi magandang tingnan na nakikihalubilo ang revisors ng Presidential Electoral Tribunal (PET) sa kahit na sinong kampo na may petisyon sa kanilang hukuman.

Sinabi ni Roque na bilang abogado, dapat dumistansiya ang mga tauhan ng PET lalo na at nagpapatuloy ang recount sa boto ni dating senador Bongbong Marcos kontra sa boto ni Robredo.


Credit to ThingkingPinoy


Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos kumalat sa social media ang larawan ng mga revisor ng PET kasama ang revisors ng kampo ni Vice President Leni Robredo sa isang outing sa Pansol, Laguna.

Kasabay nito nilinaw ni Roque na ang pahayag nito ay hindi posisyon ng Malacañang kundi posisyon nito bilang abogado.

Hindi aniya maaaring makialam ang Palasyo sa isyu dahil hindi saklaw ng ehekutibo ang trabaho ng PET.

“Bilang abogado, parang hindi po tama ‘yon ‘no. Alam naman n’yo naman ‘yang mga revisor at saka miyembro ng Presidential Electoral Tribunal parang hukuman ‘yan ‘no. So dapat hindi po nakikihalubilo doon sa mga partido at alam naman natin ang trabaho ng revisors, eh partido po ‘yan sa kaso ‘no, dahil sila ay representante nu’ng mga kandidato,” ani Roque.

Source: ABANTE
Previous
Next Post »
0 Comment