Janette Garin, iginiit na wala siyang ibinulsang pera


Nanindigan si dating Health Secretary Janette Garin na wala siyang tinanggap na pera mula sa P10.6 bilyong proyekto para sa pagpapatayo ng Barangay Health Station (BHS).

Ayon ay Garin, mas marami silang naresolbang issue ng korapsyon at iregularidad noong nasa DOH pa siya.

Kinontra rin ni Garin ang pahayag ng mga kritiko na iniwan nito sa kalunos-lunos na kalagayan ang DOH matapos ang kaniyang panunungkulan.

Kasabay nito, hinamon ni Garin ang kaniyang kritiko na sampahan rin ng kaso sina dating Health Secretary Paulyn Ubial dahil ito aniya dapat ang nagpatuloy ng mga naunang proyekto ng DOH.

Giit pa ni Garin, kung nagkaroon ng anomalya sa BHS ay hindi na dapat ito ipinagpatuloy ng sumunod na administrayon.

Source: RMN
Previous
Next Post »
0 Comment