Monday, July 9, 2018

Kiko Pangilinan, Hindi nababahala ang LP kung kulelat sa senatorial survey


Hindi umano nangangamba ang Liberal Party (LP) kahit malayo sa senatorial survey ng Pulse Asia ang malamang nilang mga kandidato sa darating na eleksiyon.

Binigyang- diin ni Senador Kiko Pangilinan, pangulo ng LP, na masyado pang maaga at marami pang puwedeng mangyari bago ang aktuwal na botohan sa Mayo 2019.


Inihalimbawa ang nangyari sa eleksiyon noong 2016 kung kailan may mga nanalo kahit kulelat sa mga survey.

“Unang-unang maaga pa marami pang mangyayari the election is still in, may marami pang mababago diyan. The same period 3 years ago merong nasa ranking ng 20-25 pero naipanalo ang kandidatura nila. It’s too early to tell,” diin ni Pangilinan.

Sa Pulse Asia survey, si Senador Bam Aquino lang ang pumasok sa Magic 12 at nasa ranking ito na 10 to 16.

Bukod dito, sinabi ni Pangilinan na hindi pa iniisip ng publiko ang susunod na eleksiyon dahil ang pinoproblema pa sa ngayon ay ang mataas na presyo ng petrolyo, bigas at iba pang bilihin.

Tinawag naman ni Pangilinan na epal ang ilang nagbabalak kumandidato sa 2016 na kabi-kabila na ang posters at maagang nangangampanya.

Tiyak naman umano na marunong nang kumilatis ang taumbayan at hindi susuporta sa ganung mga epal.

Source: ABANTE

Related Articles

Kiko Pangilinan, Hindi nababahala ang LP kung kulelat sa senatorial survey
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email