Wednesday, July 18, 2018

Kiko Pangilinan, nagbabala na dagdag utang at buwis ang Federal


NAGBABALA si Senador Kiko Pangilinan na lalong lolobo ang utang ng gobyerno o madaragdag pa ang ipinapataw na buwis sa sambayanan sa isinusulong na Federal Form of Government.

Ito ay makaraang lumitaw sa draft Federal constitution na kailangan ng dagdag na P55 bilyon na pondo para sa sahod ng federal state elected officials.


Ipinaalala ni Pangilinan na hindi pa rito ang gagastusin para sa mga bagong imprastraktura.

“There are already existing regional offices of national agencies. With P55 billion comprising half the tax take from TRAIN 1, what is clear so far is that federalism means more taxes or more borrowings or both,” saad ni Pangilinan.


Nanindigan ang senador na nangangahulugan lamang ito na hindi dapat madaliin ang isinusulong na charter change dahil posibleng malagay sa alanganin ang ekonomiya ng bansa.

“If we wish to avoid political and economic disaster, we should not rush Charter change,”giit ng senador.

Source: ABANTE

Related Articles

Kiko Pangilinan, nagbabala na dagdag utang at buwis ang Federal
4/ 5
Oleh

Berlangganan

Suka dengan artikel di atas? Silakan berlangganan gratis via email