Leni Robredo, handang mainsulto sa SONA ni Pangulong Duterte


Ibinunyag ni Vice President Leni Robredo na may mga nagpapayo sa kanya na huwag nang dumalo sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes.

Aniya, nangangamba ang mga nagpapayo sa kanya na muli lang siyang insultuhin o ipahiya ni Pangulong Duterte.

Ngunit sinabi ni Robredo na wala siyang balak na sundin ang mga payo sa katuwiran na bilang pangalawang pinakamataas na halal na opisyal, obligasyon niyang dumalo sa pag-uulat sa bayan ng punong ehekutibo.

Sinabi nito na sanay na siyang mainsulto sabay diin na hindi naman ito makakabawas sa kanyang pagkatao.

Magugunita na tinawag na “incompetent” ni Pangulong Duterte si Robredo matapos ianunsiyo ng huli na handa siyang pamunuan ang koalisyon ng oposisyon sa bansa.

Agad naman bumuwelta si Robredo at sinabi na sa halip na insultuhin siya at ang Diyos, dapat ay asikasuhin na lang ng Pangulo ang ekonomiya ng bansa.

Source: ABANTE
Previous
Next Post »
0 Comment