Leni Robredo pangungunahan ang oposisyon vs Pangulong Duterte


Handa umano si Vice President Leni Robredo na manguna sa oposisyon laban kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa administrasyon nito.

“Maraming mga grupo na pareho naman iyong paniniwala. Maraming mga grupo na pareho naman iyong mga issues na gustong salungatin. Pero dahil hindi nag-usap-usap, hindi napapag-isa iyong boses. At iyon iyong role na gusto kong i-take—na siguraduhin na iyong mga boses na nagkakaisa ay lalong mapag-isa para lalong mapakinggan, siguraduhin na iyong mensaheng gustong ipaabot mas maintindihan, at hikayatin iyong iba din iyong paniniwala na makiisa,” ani Robredo sa press briefing sa Quezon City.

Sabi pa ng bise presidente, sa kabila na matagal na siyang hindi nakikiisa sa oposisyon, pero kailangan na umanong pag-isahin ang boses ng mga ito.

Aniya, marami umanong mga kababayan na nagsasabi sa kanya na kailangan na ng leader at parati umano niyang sinasabi na obligasyon ng lahat na ipaabot ang kanilang saloobin.

Kung kailangan umanong sumalungat ay sumalungat pero mas malakas umano ang loob ng iba na magboses kapag mayroong sinasandalan na grupo na pareho ng paniniwala at ang role umano niya ay ang pag-isahin ang mga boses na iyon.

Source: ABANTE
Previous
Next Post »
0 Comment