Thursday, July 19, 2018

Malacañang, walang paki kay Leni Robredo sa federalismo


Hindi pinagtutuunan ng pansin ng Malacañang kung ano ang maging kahihinatnan ni Vice President Leni Robredo sakaling magkaroon ng transition government sa 2019.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, na ang tutok ng Malacañang ay kung saan patungo ang liderato ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Bahala aniya ang Bise Presidente sa karera niya dahil ang nais ni Pangulong Duterte na maiwang legacy sa taumbayan ay ang Charter change at ang federalismo.


“Ang malinaw lang kami kung anong—saan patungo ang leadership ni Presidente Duterte. At paulit-ulit sinasabi ni President Duterte nais niyang maging legacy sa taumbayan iyong Charter change patungo ng federalism at matapos makamit iyan ay bababa na siya sa puwesto ‘no. So bahala na po sa karera niya si VP Leni,” ani Roque.

Pinabulaanan ng kalihim ang pahayag ni dating Chief Justice Hilario Davide na ang talagang layunin ng federalismo ay para mapaiksi lang ang termino ng Pangalawang Pangulo.

“Wala pong katuturan iyan, kasi malinaw naman po ‘no na hindi namin talaga—hindi binibigyan masyado ng Palasyo ng pansin naman iyong karera ni Vice President. Bahala naman si Vice President sa karera niya,” dagdag pa ni Roque.

Batay sa kahilingan ni Pangulong Duterte, nais niyang magkaroon ng transition President sa 2019 sakaling maisulong ang federalismo at sabay silang bababa sa puwesto ni Robredo.

Source: ABANTE

Related Articles

Malacañang, walang paki kay Leni Robredo sa federalismo
4/ 5
Oleh

Berlangganan

Suka dengan artikel di atas? Silakan berlangganan gratis via email