Trillanes may mga inihandang pagkilos sa SONA ni Pangulong Duterte


May mga inihahandang pagkilos ang panig ng oposisyon bago ang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 23.

Ayon kay Senator Antonio Trillanes IV, magkakaroon sila ng serye ng mga aktibidad kung saan ilalahad nila ang mga ginawa ni Pangulong Duterte sa nakaraang dalawang taon ng termino nito.

Sabi ni Trillanes, ikukumpara nila ang mga ginawa ni Pangulong Duterte sa kanyang mga sasabihin sa SONA.

Ang nabanggit na mga aktibidad aniya ay pangungunahan ng cause-oriented group na “Tindig Pilipinas” na binubuo ng mga grupo, personalidad at pangkaraniwang mamamayan na tumututol sa mga polisiya ng kasalukuyang administrasyon.

Source: RMN
Previous
Next Post »
0 Comment