Wednesday, July 18, 2018

Mga taga-Oposisyon at mga kritiko, handa na ang protest attire para sa SONA ni Pangulong Duterte


Nakahanda na ang mga protest attire ng mga taga-oposisyon na kanilang susuotin sa SONA ni Pangulong Duterte sa Lunes.

Iba-ibang estilo ng protesta na makikita sa mga kasuotan ng MAKABAYAN Bloc ang kanilang susuotin sa SONA.

Kapwa magsusuot ng SONA protest barong sina Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate at Anakpawis Rep. Ariel Casilao.


Ang susuoting barong ni Zarate ay nagpapakita ng mga Pinoy na nananawagan sa pagbabalik ng peace talks ng gobyerno at National Democratic Front gayundin ang apela para sa tunay na agrarian reform at paglutas ng kawalan ng hanapbuhay sa bansa.

Ito ay ipininta ng artist na si Ma. Sol Taule na myembro din ng National Union of People’s Lawyers.


Habang si Casilao naman ay magsusuot ng barong na may pinta ng mga taong nagpoprotesta na may hawak na mga placard para sa P750 pesos na National minimum wage increase at reporma sa lupa.

Asahan pa ang iba protesta sa kasuotan na makikita kina Act Teachers Reps. Antonio Tino at France Castro, Gabriela Reps. Arlene Brosas at Emmi De Jesus gayundin si Kabataan Rep. Sarah Elago.

Source: RMN

Related Articles

Mga taga-Oposisyon at mga kritiko, handa na ang protest attire para sa SONA ni Pangulong Duterte
4/ 5
Oleh

Berlangganan

Suka dengan artikel di atas? Silakan berlangganan gratis via email