Mga taga-suporta ni Pangulong Duterte, nagtatag ng partido pulitikal para idepensa ang programa nito


Matapos na makakuha ng accreditation sa COMELEC ang political party na Hugpong ng Pagbabago ni Davao City Mayor Sara Duterte, nag-aantay naman ngayon ng katulad na aksyon ang bagong silang na political party na galing sa ibat-ibang grupo na sumusuporta kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ganap nang inilunsad ang Partido Federal ng Pilipinas na kinabibilangan ng ibat-ibang hanay ng mamamayan, mga manggagawa, mga doktor, abogado, engineer, government workers, drivers at iba pa na ang pangunahing isinusulong ay ang pormang pederalismo.

Ayon kay Atty. George Briones, General Council ng Partido Federal ng Pilipinas, bilang isang partido politikal hihikayatin din nila ang iba pang pulitiko, indibidwal at maging si Pangulong Duterte na maging miyembro nila.

Naniniwala rin ang PFP na sa pederalismo mas lalakas ang suporta sa agrikultura, para labanan ang kahirapan, pagbibigay ng trabaho at industrialisasyon sa ating bansa.

Source: RMN
Previous
Next Post »
0 Comment