Saturday, July 7, 2018

"P1 jeepney fare hike lagyan ng expiry date" - Sen. Win Gatchalian



Nais ni Senador Sherwin Gatchalian na lagyan ng expiry date ang inaprubahang dagdag na P1 sa minimum fare sa mga jeepney.

Ayon kay Gatchalian, dapat umanong lagyan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng isang taong validity ang dagdag-pasahe na maaaring palawigin ng tatlo hanggang anim na buwan sakaling manatiling mataas ang halaga ng langis.

Aniya, ipinapanukala niya ito dahil na rin sa mas madali umanong magtaas ng singil sa pamasahe kaysa magbaba nito.

Pinarerebyu rin ni Gatchalian sa Department of Finance at Department of Transportation ang Pantawid Pasada Program para malaman kung sapat ang P5,000 fuel voucher para maibsan ang epekto ng tumataas na presyo ng gasolina sa mga tsuper.

Related Articles

"P1 jeepney fare hike lagyan ng expiry date" - Sen. Win Gatchalian
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email