P90-M Plano raw Gamitin ni Mocha Uson para sa Pro-Federalism Campaign


Inihayag ng Malacañang na nais ng Consultative Committee (Con-com) na gamitin si Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson para sa isasagawang information campaign upang isulong ang pederalismo sa bansa. Ang naturang kampanya, paglalaanan ng P90 milyon.

Sa panayam ng mga mamamahayag nitong Lunes, sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque Roque na, "Anyone is welcome to disseminate. Of course, we seek to come up with standardized dissemination materials so that no one will deviate from the messaging."


Ang Con-com ang nagrepaso sa 1987 Constitution kung saan nakasaad ang mga pagbabagong gagawin sa Saligang Batas para sa pagpapatupad ng pederalismo.

Sinabi naman ni Ding Generoso, tagapagsalita ng Con-com, makatutulong si Uson para ipaalam sa publiko ang tungkol sa federal form of government sa pamamagitan ng kaniyang kolum sa pahayag at Facebook account na may mahigit limang milyong follower.

Ayon kay Roque, ang paunang P40 milyon pondo ay ilalaan sa information drive, at P10 milyon nito ang gagamitin ng Presidential Communications Operations Office sa pagpapagawa ng mga materyales.

Gagamitin din umano ang P50 milyon na "savings" ng Con-com na matatapos na ang operasyon sa susunod na buwan.

"We’re developing materials for disseminators, and we are formulating a module to train first the trainors. And we’re developing a module for dissemination so that anyone who will follow the module can disseminate properly," sabi ng opisyal.

Sa nakarang survey ng Pulse Asia, lumitaw na matamlay ang pagtanggap ng publiko sa pederalismo at kakaunti lang ang nakakaalam tungkol dito.

Source: GMA
Previous
Next Post »
0 Comment