Pagtakbo ng kapatid ni Sharon sa kampo ni Pangulong Duterte, Ok lang daw kay Kiko


Hindi umano isyu kay Senador Kiko Pangilinan ang pagsapi sa kampo ni Pangulong Rodrigo Duterte ng kapatid ni Sharon Cuneta na tatakbo sa pagka-alkalde ng Pasay City.

Si Pangilinan ang pangulo ng Liberal Party (LP) na kritikal sa Duterte administration.

Ayon sa senador, iginagalang niya ang desisyon ng bayaw na sumali sa kowalisyon na sumusuporta sa Pangulo.


Kahit magkaanak, tanggap naman daw nila ang katotohanan na magkasalungat ang pananaw nila sa pulitika at ang tingin nila sa administrasyong Duterte.

“Pinag-usapan namin ni Chet ang kaniyang mga planong pampulitika at tinatanggap naming dalawa ang realidad na bagama’t magkamag-anak kami, kailangang galangin ng bawat isa sa amin ang magkatunggaling pananaw sa pulitika,” ayon kay Pangilinan.


Idiniin naman ni Pangilinan na mananatili siya sa oposisyon at sa kaniyang tungkulin na magsilbing tagapuna ng administrasyon.

Umano’y higit pa nilang palalakasin ang hanay ng oposisyon at mananatili silang kritikal sa mga polisiya na sa tingin nila ay makasasama sa bayan gaya ng extrajudicial killings, pag-abuso sa giyera kontra droga, katiwalian at pagkiling ng administrasyon sa China.

Source: ABANTE
Previous
Next Post »
0 Comment