Tuesday, July 31, 2018

Pangilinan, Hindi hihinto ang Liberal Party sa Pagpuna sa Duterte Admin


Kahit anong upak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Liberal Party (LP), hindi umano titigil ang mga kasapi nito sa pagpuna sa administrasyon.


Sinabi ni Senador Kiko Pangilinan, presidente ng LP, na hindi sila maaaring manahimik hanggang may napapatay na mahihirap sa gitna ng giyera kontra droga.


Hindi rin umano sila titigil sa pagpuna hanggang hindi natitigil ang recycling ng mga opisyal ng gobyerno na nasangkot sa katiwalian at habang yumuyukod ang administrasyong Duterte sa China.

Tugon ito ni Pangilinan sa panawagan ng Pangulo na isantabi na ng LP ang politika sabay kantiyaw na matagal nang nalusaw ang mga dilawan.


Ayon kay Pangilinan, hindi politika kundi constitutional duty daw nilang mga taga-LP na magsalita laban sa mga pag-abuso ng gobyerno at laban sa mali nitong mga polisiya.

Source: ABANTE

Related Articles

Pangilinan, Hindi hihinto ang Liberal Party sa Pagpuna sa Duterte Admin
4/ 5
Oleh

Berlangganan

Suka dengan artikel di atas? Silakan berlangganan gratis via email