Pangulong Duterte, Bad guy ako sa paningin ng Simbahan


Nagpaliwanag si Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit hindi maganda ang relasyon nito sa mga alagad ng Simbahan at kung bakit matalas ang banat sa mga pari.

Sa kanyang pagsasalita sa ika-31 anibersaryo ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), sinabi ng Pangulo na bistado niya ang pagiging ipokrito ng ilan sa mga alagad ng simbahan kaya ganon na lamang ang galit nila sa kanya.

Katunayan ayon sa Pangulo ay siya ang “bad guy” sa paningin ng mga taong Simbahan na nagsimula noong panahon ng eleksiyon.

Inamin ni Pangulong Duterte na napuno na rin siya sa banat sa kanya ng Simbahan kaya bumuwelta na rin ito kahit lumabas na siya ay bastos.

“Kaya talaga ako pumapalag ako because I have a history so I know the hypocrisy . Medyo ano ako… tapos ngayon, ganon na lang ang ano nila sa akin. Not now even before the election, I was the bad guy but hanggang ngayon. At napuno na talaga ako, ayun bumuwelta ako. At nung bumuwelta ako, bastos na. At yung bunganga ko talaga bastos na dati, laking kanal kami we are just migrants in Davao. I grew up in slum area before God gave us a little break in life,” anang Pangulo.

Ikinuwento rin ng Pangulo sa mga opisyal at tauhan ng DENR ang naging karanasan nito sa kamay ng isang dating pari noong nag-aral sa Davao City na hinihipuan siya kasama ang mga kaklase nila.

‘Kami naman hanggang hipo lang. Hinipo talaga. What are your sins my son? My sin father is I have a…and because you are fondling it that is why it is rising to the challenge of the day”. Ganon lang, pero wala akong away sa…that’s about five generations of us lahat kami… Lalo na si Dominguez kay tisoy, hala pula pula yan kung matapos paglabas ng confessional,” dagdag pa ng Pangulo.

Previous
Next Post »
0 Comment