Saturday, July 14, 2018

Pangulong Duterte, dumating na sa Malaysia para panoorin ang laban ni Sen. Manny Pacquiao


Nasa Malaysia na si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang tatlong araw na pagbisita.

Panonoorin ng Pangulo ang laban sa pagitan ni Sen. Manny Pacquiao at Lucas Matthysse.

Pagkatapos nito ay inaasahang makikipagpulong ang punong ehekutibo kay Prime Minister Mahathir Mohamad.

Sesentro ang kanilang pag-uusap sa mga isyu na may kinalaman sa law and order at seguridad.

Kasama ng Pangulo sa Kuala Lumpur ang kanyang Special Assistant Bong Go, tagapagsalita na si Sec. Harry Roque, Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano at National Security Adviser Hermogenes Esperon.
Ilang opisyal din ang nasa Malaysia para tunghayan ang laban ni Pacquiao tulad nina Solicitor General Jose Calida, Bureau of Corrections Chief Ronald dela Rosa, Ilocos Sur Gov. Chavit Singson at Buhay Party-list Rep. Lito Atienza.

Source: RMN

Related Articles

Pangulong Duterte, dumating na sa Malaysia para panoorin ang laban ni Sen. Manny Pacquiao
4/ 5
Oleh

Berlangganan

Suka dengan artikel di atas? Silakan berlangganan gratis via email