Pangulong Duterte, Maputak at Mayabang na Senador, Palitan na


Dapat na mapalitan na ang mga maiingay at aroganteng mga senador.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng patuloy na batikos at banat sa kanya ng ilang senador na kritikal sa kanyang mga ginagawa at pagpapatakbo sa bansa.

Ayon sa Pangulo, wala namang nagawa ang mga ito sa bansa para sa ikabubuti ng mga Filipino.


“The others should be replaced. They are noisy and arrogant. Anyway, what have they done for our country?,” anang Pangulo.

Hindi man pinangalanan ng Pangulo ang tinutukoy na mga senador ay batid na ng publiko kung sino ang pinatutungkulan nito.

Kung siya aniya ang tatanungin ng mga kritiko kung ano ang nagawa bilang lingkod bayan, sinabi ni Pangulong Duterte na maipagmamalaki niyang anyayahan ang mga kritiko na pumasyal sa Davao City para makita kung gaano kadisiplinado ang mga Davaoeño pagdating sa peace and order.


“Visit Davao. Go around Davao for 24 hours. Inday imposed a rule that nobody is allowed to be out and about on the streets by 12 midnight. Everyone will be arrested. So everybody stays at home. Davao is so quiet. Everybody feels like Good Friday,” dagdag pa ng Pangulo.

Source: ABANTE
Previous
Next Post »
0 Comment