Panoorin! | Traffic Enforcer, Nangotong ng P2,000 sa Foreigner


Kapalit ng hindi pagkuha ng lisensya, kinotongan umano ng P2,000 ng isang tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang isang dayuhang motorista sa Maynila na lumabag daw sa number coding.

Ang pag-alma ng dayuhan, makikita sa viral video sa insidente na nangyari sa sa panulukan ng Blumentritt at Aurora Boulevard sa Santa Cruz, Manila.


Sa ulat ni Victoria Tulad sa Unang Balita nitong Miyerkoles, makikita sa video ang pag-uusap ng driver na si Albert at ng enforcer, na abala noon sa pagsusulat sa ticket dahil sa paglabag umano sa batas-trapiko.

Matapos nito, nakipag-areglo ang enforcer para sa halagang P2,000.

"Okay lang po?" tanong ng enforcer. "Sige po kasi talagang wala po kaming oras, sir," sagot ng babaeng kasama ng dayuhan.

Nang manghingi ng resibo ang mga sakay ng kotse, nagwika ang enforcer, "Ito po 'yung ticket ng coding. So, kung kukunin ko po ang lisensya n'yo tutubusin n'yo po sa City Hall."

Pagbalik ng enforcer sa lisensya at ticket, doon na siya naningil. Kinuha niya ang pera at itinago sa kulay itim na file pad.

Ngunit umalma ang dayuhang driver para sa resibo. "I need a receipt saying that I gave you P2,000."

Ipinaliwanag ng enforcer na violation receipt ang ibinigay niya.

"Doesn't say here where I gave you 2,000," muling pag-aalma ng dayuhan.

"Oh no! That's aregluhan. That is areglo. Aregluhan po ma'am 'yun. Kung okay lang sabi ko diba?" pahayag ng enforcer.

Sinubukang tumawad ng babaeng kasama ng dayuhan ngunit hindi pumayag ang awtoridad.

Napamura na lamang ang dayuhang motorista sa inis.

Tatlong araw pa lang noon na nagbabakasyon sa Pilipinas ang dayuhan nang mangyari ang pangongotong umano, ayon sa nag-upload ng video.

Pinag-aaralan pa ng mga nabiktima kung magsasampa sila ng reklamo, at hindi pa nagpapahayag ang traffic enforcer.

Sinisikap din ng GMA news na makuha ang pahayag ng tanggapan ng MTPB.

Source: GMA
Previous
Next Post »
0 Comment