‘Rape reminder’ ng Angono police, inalmahan ng Gabriela


Kinondena ng grupong Gabriela ang ‘rape reminder’ ng Angono Police sa Rizal dahil pinalalabas umano na kasalanan pa ng mga babae kaya sila nagagahasa.

Kaugnay ito ng Facebook post ng Angono PNP kung saan nakasaad na upang makaiwas sa rape ay huwag magsusuot ng maiiksing damit, huwag iinom ng alak, huwag iiwan ang inumin at baka may ilagay na gamot, at iba pa.


“This is a classic case of victim-blaming and gross misinformation on rape. This rotten mindset being perpetrated by the state authorities themselves certainly emboldens perpetrators to commit rape and further puts women in a difficult situation,” ayon kay Gabriela Rep. Arlene Brosas.

Iginiit ni Brosas na hindi krimen ang pagsusuot ng short skirt ng mga babae gayundin ang pag-inom.


“We are correcting the Angono PNP: Short skirts don’t cause rape. Drinking does not cause rape. Rapists do cause rape. The misogynist exhortations by the President do cause rape,” diin ng kongresista.

Nakatakdang sulatan ng Gabriela ang Angono PNP para ipaalis ang kanilang post at himukin ang mga pulis na dumalo sa gender sensitivity at anti-violence against women and children training.

Previous
Next Post »
0 Comment