Sen. Pacquiao, nilinaw na peke ang Facebook posts na namimigay siya ng mga bahay at mga sasakyan


Bago i-like at i-share ang Facebook post na nagsasabing mamimigay ng mga bahay at mga sasakyan bilang balato si Senador Manny Pacquiao, basahin muna ito.

Sa isang pahayag nitong Martes, nilinaw ng bagong World Boxing Association welterweight champ na si Pacquiao na walang katotohanan at peke ang FB account na ipinangalan sa kaniya at nagsasabing mamimigay siya ng mga bahay at sasakyan kapag nag-comment sa post, nag-share at nag-like sa account.


"Nakarating sa aking kaalaman na may mga kumakalat na balita sa social media na ako ay mamimigay ng mga premyo bilang balato dahil sa aking pagkakapanalo. Nais ko pong ipaalam sa lahat na walang katotohanan ang mga ito," giit niya.

Ginawa ni Pacquiao ang pahayag matapos niyang maagaw ang WBA welterweight title kay Lucas Matthysee sa pamamagitan ng knockout noong Linggo.

Matapos ang laban, lumitaw ang FB account na nakapangalan kay Manny na nag-post ng mga larawan niya at mga bahay na umano'y kaniyang ipamimigay sa masuwerteng mapipili sa mga nag-like, nag-share, at nag-comment sa post.

Nasundan pa ito ng ilang posts na nagsasabing mamimigay din siya ng mga sasakyan.

"Fake news po ang contest na ito kaya’t huwag po kayong maniniwala at magpapaloko sa maling balita. Salamat po."

Kamakailan lang, nagbabala rin ang "Wowowin" host sa mga manonood laban sa mga nanloloko at gumagamit sa kanilang programa para makapanloko.

Source: GMA
Previous
Next Post »
0 Comment