Wednesday, July 18, 2018

Siniyasat ng PAO | 12-anyos na batang lalaki, hinihinalang namatay dahil sa Dengvaxia


Isang 12 -anyos na lalaki ang nasawi sa sakit sa lalawigan ng Quezon. Pero ang mga magulang ng bata, hinihinala na may kinalaman ang Dengvaxia sa sinapit ng kanilang anak.

Sa ulat ni Lala Roque sa GMA News “Balita Pilipinas” nitong Miyerkules, kinilala ang nasawi na si John Harry Rellores.                    

Dati umanong masigla at hindi sakiting bata si Rellores, ayon sa kaniyang mga magulang bago pa man ito mabakunahan ng Dengvaxia na pangontra sa dengue virus noong Grade 5 student ito.

Kinalaunan, unti-unti raw humina ang resistensiya ng bata at inirereklamo ang matinding pananakit ng ulo na kung minsan ay dahilan din para mawalan ng malay.

Nitong Hulyo, tuluyan daw bumigay ang katawan ng biktima kaya dinala nila sa ospital sa Lucena City, Quezon at doon na binawian ng buhay matapos ma-confine ng ilang araw.

Sa death certificate ng bata, nakasaad na central nervous system infections system ang ikinamatay ni Rellores.

Dahil sa hinala ng kaniyang mga magulang na may kinalaman ang Dengvaxia ang pagkamatay ng anak, lumapit sila sa Public Attorney's Office (PAO) na nagsagawa ng pagsusuri sa bangkay nito.

Ayon kay Dr. Erwin Erfe, forensic expert ng PAO, namatay ang bata dahil sa matinding pamamaga ng utak at pagdurugo nito, na nakita ring umano sa iba pang namatay na kanilang sinuri na pinaniniwalaan nilang dulot din ng Dengvaxia.

"The same 'yung nakita namin, lumaki 'yung organs specifically 'yung liver niya, 'yung spleen. At nakakita rin kami ng mga pagdurugo dito," sabi ni Dr. Erfe.

Sinabi ni PAO Chief Attorney Persida Acosta na ipadadala pa nila sa kanilang senior pathologist para isailalim sa histo pathological exam ang mga nakuhang specimen mula sa bata.

Dagdag niya, ang resulta ng pagsusuri ang maaaring maging basehan nila kung isasama nila ang nangyari kay Rellores sa mga kasong isasampa na nila laban sa mga dati at kasalukuyang opisyal ng iba't ibang ahensiya ng gobyerno na sangkot sa pagpapagamit sa Dengvaxia sa anti-dengue program.

"Ang mga kaso ay violation ng Anti-Torture Act o Republic Act 9745 and then reckless imprudence resulting to multiple homicide at violation ng Consumer Protection Act. Siyempre ang mga opisyal ng Sanofi, Zuellig, ang mga dating opisyal ng Department of Health, FDA, RITM at gayundin ang DOH, incumbent pa," ayon kay Acosta.

Siniyasat ng PAO | 12-anyos na batang lalaki, hinihinalang namatay dahil sa Dengvaxia

Source: GMA

Related Articles

Siniyasat ng PAO | 12-anyos na batang lalaki, hinihinalang namatay dahil sa Dengvaxia
4/ 5
Oleh

Berlangganan

Suka dengan artikel di atas? Silakan berlangganan gratis via email